Skip to main content

ANNIVERSARY (A SHORT STORY)


"ANNIVERSARY"

(A SHORT STORY)

Written by Rovic Balingbing

 

"Good morning Babe! Gising na, may pasok ka pa." Bungad na sambit ni Dave nang sagutin ko ang tawag niya.

 

"Good morning Babe! Ang aga-aga ah, bakit parang good mood ka ata ngayon?" Tanong ko naman sa kaniya, this is really the first time na tumawag siya ng ganitong oras para manggising.

 

"Ouch Babe! Nakalimutan mo na agad?" Pagtatampo nito at talagang humina ang boses niya.

 

"Nakalimutan ang ano? Ay oo nga pala, anniversary nga pala natin ngayon! Sorry Babe, nakalimutan ko alam mo namang sobrang busy ko sa mga school works ngayon kaya medyo naging makakalimutin ako sa ilang mga bagay these past few days." Paghingi ko naman ng sorry sa kaniya. July 17 nga pala ngayon and today is our 1st anniversary

 

"Ayoko nga, kiss mo muna ako." Natawa ako bigla dahil lumalabas nanaman 'yung pagka-childish niya.

 

"Ano ka ba naman Babe, ang aga-aga eh, basta sorry na ha." Paghingi ko ulit ng sorry sa kaniya.

 

"Kiss nga muna." Pangungulit naman nito.

 

"Oh sige na *mwah* ayan na." Sambit ko naman na siyang ikinatuwa niya.

 

"Wow, ang sarap talaga ng kiss ng Babe ko, sanasa susunod totoo na ‘yan." Sambit niya.

 

"Kung makakapunta ka dito eh, why not 'di ba?" Pagbibiro ko naman sa kaniya.

 

"Sure ka Babe? Sasalubungan mo ba ako ng isang matamis na halik kapag nagkita tayo?" Tanong naman niya sa'kin.

 

"Siyempre naman!" Mabilis kong sagot.

 

Tama kayo ng nabasa, we are in a long distance relationship. Taga Pangasinan kasi si Dave samantalang ako naman ay taga Quezon City. Nakilala ko lang siya sa Facebook and now, he is mine. Tulad ng ibang mga virtual relationship, we started as friends sa isang online group na kung tawagin ay "Crystal Academy". He is one of our teachers and as the time goes by, naging bestfriend ko siya. He really is my first virtual boy bestfriend, kuya, shoulder to cry on, and my knight in shining armor. Palagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko ng advice at sa tuwing nag-aaway kami ng stepmom ko.

 

Noong una pa lang kasi ay hindi na ako boto sa kaniya kaya hindi naging maganda ang relationship naming dalawa. Ilang beses ngaakong pinipilit ni Daddy na makipagbati sa kaniya but I always tried to dodge that topic and leave without saying anything. Mabait lang kasi siya kapag nakaharap si Daddy pero once na tumalikod na siya, my stepmom became an evil witch. Palagi niyang hinahadlangan ang mga gusto ko at ramdam ko na gusto niyang agawin mula sa'kin si Daddy and siyempre as a Daddy's girl, hindi ako papayag na mangyari 'yun.

 

Last April 2018, umamin sa akin si Dave na may gusto siya sa'kin simula pa lang nung una kong sali sa Crystal Academy. I am so happy that time kasi unti-unti na akong nahulog kay Dave ever since the day he messaged me abou one of our activities. Kaya noong sinabi niya na gusto niya akong ligawan, tinanggap ko agad dahil ayaw ko nang pakawalan pa 'yung opportunity.

 

July 17 naman nang sagutin ko siya and it was really awkward dahil umiyak siya nung gabing ‘yun. Naging masaya naman kami ni Dave pero hindi pa rin alam ng mga magulang ko na may boyfriend ako, natatakot kasi ako na baka hindi matanggap ni Daddy si Dave at dahil na rin sa ayaw ni Daddy na magkaroon ako ng boyfriend habang nag-aaral pa ako. Well, it wasn't my fault, ang hirap naman kasing turuan ang puso eh kaya kahit na anong pilit mo, once na na-inlove ka na sa isang tao, 'yun na 'yun! Hindi mo na mapipigilan pa 'yung sarili mo.

 

"Babe, kapag ba pumunta ako diyan sa inyo ipapakilala mo na ako sa parents mo?" Seryosong tanong niya sa'kin.

 

"Ah eh--" Hindi ko talaga masagot 'yung tanong niya dahil natatakot pa rin ako sa puwedeng mangyari.

 

"Sorry kung natakot kita Babe, 'wag mo na lang isipin 'yun." Bigla niyang pinutol ang dapat na sasabihin ko.

 

"Sorry talaga Babe ah, alam mo naman 'yung sitwasyon ko eh." Paghingi ko naman ng tawad sa kaniya. I really feel bad na hindi ko pa rin siya kayang ipakilala sa pamilya ko samantalang siya ay nagawa na niya, he introduce me to his family last June 20 via video call and I am really comfortable with them.

 

"Okay lang Babe, sige na mag-asikaso ka na muna at baka malate ka na sa klase mo." Aniya.

 

"Sige Babe, magtetext na lang ako sa'yo once na nakarating na ako sa school." Sabi ko naman.

 

"Sige Babe, bye! Happy anniversary and I love you so much."

 

"Happy anniversary din Babe and I love you too." Pagpapaalam ko naman sa kaniya.

 

Pagkapatay niya ng tawag ay nag-asikaso na ako para pumasok sa school, hindi ko nanaman naabutan si Daddy ngayong araw dahil marami raw siyang kailangang asikasuhin sa office kaya maaga siyang pumasok. Hindi ko na rin naabutan ang stepmom ko na pumunta raw sa palengke kasama ang anak niyang si Steff.

 

Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay may biglang nagdoor bell.

 

"Sino 'yan?" Tanong ko.

 

"Ma’am, si Ms. Cindy po!" Sigaw naman ng yaya namin na nagbukas ng pinto.

 

"Sige po, pakisabi na lang po na palabas na ako!" Nagmadali akong ayusin ang bag ko at dumiretso na sa labas. Paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Cindy, ang bestfriend ko.

 

"Oh my gosh girl, hindi mo talaga paniniwalaan 'yung nangyari sa'kin kanina dun sa... Teka! Bakit parang may iba ata sa'yo ngayon girl? Blooming ah!"  Napahinto sa pagkukuwento si Cindy nang mapansin niya na nakamake-up ako ngayon, hindi naman gaanong makapal, 'yung sakto lang.

 

"Siyempre alam mo na, inlababo ang sisteret mo." Hinawi ko ng kaunti ang buhok ko at sabay kaming tumawa ni Cindy.

 

"Teka, anong meron ngayon? Ay oo nga pala, anniversary niyo nga pala ngayon ni Fafa Dave. Binati ka na ba niya?" Tanong sa'kin ni Cindy.

 

"Siyempre naman Bes and take note, siya ang naging alarm clock ko ngayon." Kinikilig na sabi ko.

 

"Waaahhhh! Sana lahat may ganiyang boyfriend 'no?" Sambit naman ni Cindy.

 

"Ano ka ba girl, nandiyan naman si Baby Kenneth mo ah." Pagpapaalala ko sa kaniya. Naging boyfriend niya si Kenneth noong Grade 7 kami at nagkabalikan sila noong isang linggo lang.

 

"Oo nga, nandiyan nga siya pero feeling ko naman wala." Pagrereklamo naman niya.

 

"Ay, ano nanaman bang nangyari girl? Nagloko nanaman ba?" Tanong ko agad sa kaniya. Babaero kasi si Kenneth at ilang beses nang nahuli ni Cindy si Kenneth na may kasamang iba pero hindi ko alam kung bakit pa nga ba pinapatawad ng babaitang 'to 'yung lalaking 'yun.

 

"Wala naman girl, inaya niya kasi ako sa birthday party ng kaklase niya, 'yung Jake. Pero nung nando’n na kami, wala na, halos hindi na ako pansinin. Na-OP talaga ako dun girl at hindi pa niya ako nagawang ipakilala dun sa mga friends niya." Pagpapaliwanag naman ni Cindy.

 

"Ouch, grabe naman 'yung lalaking 'yun, pabugbog ko na ba?" Pagbibiro ko.

 

"Ano ka ba girl, kahit ganun 'yun, mahal ko pa rin 'yun kaya 'wag na 'wag mong ipapabugbog 'yun kasi ayaw kong nasasaktan siya." Pagdedepensa naman niya sa boyfriend niya.

 

"Wow girl ha! Bakit nga ba hanggang ngayon ay nagtitiis ka pa rin sa ugali ng lalaking 'yun? Ni hindi nga niya kayang pangatawanan 'yung pangako niyang hindi na siya mambababae eh. Pang ilang beses na ba 'yung huli? Pang pito ba o pang walo? Wow, ano 'yun girl, tanga-tangahan lang ang peg?”

 

“Alam mo kung may ranggo lang talaga ang pagiging tanga, aba baka ikaw na 'yung reyna. Alam mo girl, 'yung pagkaing nahulog na, hindi na dapat pinupulot pa, 'wag kang umasang parang bata na porket wala pang 10 seconds ay isusubo mo pa. 'Wag kang masyadong magpakatanga sa isang lalaking alam mong sasaktan ka lang ng paulit-ulit. Kung siya nga hindi mo kayang nakikita na nasasaktan pero siya ba? Ilang beses ka na niyang sinaktan pero inuulit niya lang din. Alam mo kung bakit niya 'yun ginagawa? Kasi alam niyang papatawarin mo ulit siya! Kung ako sa'yo girl, hiwalayan mo na 'yang Kenneth na 'yan kaysa naman ubusin mo 'yung luha mo sa kaniya kahit na hindi niya deserve 'yun. Do you understand?" Dagdag ko pa.

 

"Aray naman girl, tagos oh! Ramdam na ramdam ko. Alam mo namang hindi ko kayang gawin 'yun 'di ba? Kasi mahal na mahal ko ‘yun kahit na palagi siyang ganun. At saka parang okay nga 'yun eh, puwede na akong maging reyna." Pagbibiro naman nito.

 

"Kahit kailan talaga. Bakit nga ba sa mundong 'to ay hindi ka mawawalan ng isang kaibigang tanga?" Mahina kong bulong.

 

"Ito naman, joke lang eh. Teka kanina pa tayo nagsasalita dito baka malate pa tayo sa klase natin kapag hindi pa tayo pumasok sa kotse ko." Nakalimutan ko rin talaga ang oras dahil sa natrigger na ang pagiging love expert ko.

 

Sumakay na kami sa kotse ni Cindy at doon na namin ipinagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin. Pagkarating na pagkarating namin sa school at pinalibutan na agad kami ng tingin ng mga tao. Nagbubulungan sila o may sinasabi sila na hindi ko marinig.

 

"Teka, anong meron? May inupload ka bang hindi kaaya-aya sa social media girl? Bakit nakatingin halos lahat sa'tin?" Pagtatakang tanong ni Cindy sa'kin.

 

"Wala ah!" Pagdedeny ko naman.

 

"Ikaw Shane ah! Malaman-laman ko lang talaga na ano--" Pagbabanta sa'kin ni Cindy.

 

"Na ano? Wala nga akong ginagawang masama!" Pagdedeny ko ulit. Wala naman kasi talaga akong masamang ginagawa eh.

 

Pagbaba namin ng sasakyan ay narinig ko ang ilan sa mga bulungan ng mga tao.

 

"Siya ba 'yun?" Girl 1.

 

"Oo, siya 'yun." Girl 2.

 

"Ang swerte niya 'no?" Girl 1.

 

"Oo nga." Girl 2.

 

Teka, ano ba 'yung pinag-uusapan nila? Well, alam kong swerte talaga ako pero naguguluhan pa rin ako! Hindi ko talaga alam kung ano ba 'yung pinagsasabi nila. I feel like something will happen today. Feeling ko mayroong isang scandal video na lumabas kung saan kamukha ko 'yung babae tapos idinidiin nila na ako 'yun. 'Yun kasi 'yung madalas na dahilan sa mga napapanood kong movies eh. Sana naman walang masamang mangyari ngayon.

 

"Ano girl, tutunganga ka na lang diyan at makikinig sa mga bulong-bulungan nila? Malelate na tayo sa klase!" Bumalik ‘yung diwa ko nung sinabi 'yan ni Cindy kaya nagmadali na kaming pumunta sa klase dahil 5 minutes na lang at late na kami.

 

Patuloy pa rin ang pagbubulong-bulungan at pagtitig ng mga tao sa'min ni Cindy pero hindi ko na lang 'yun pinansin dahil ang mahalaga na lang sa'kin ngayon ay ang makaabot kami sa klase. Pero bigo kami, dahil nandun na ang homeroom teacher namin na si Ms. Herrera.

 

Pagkapasok namin ni Cindy sa room ay agad na nagtinginan sa amin ang mga tao. Mayroon ding nakaharang na isang malaking itim na tela sa halos 1/4 ng room. Ano nanaman kayang pakulo 'to ni Ms. Herrera?

 

"And bakit kayo late na dalawa?" Tanong ni Ma’am sa'min.

 

"Sorry Ma’am. Traffic po kasi." Pagpapaliwanag naman ni Cindy.

 

"Okay, you may now seat and sana ay hindi na maulit 'to." Sambit ni Ms. Herrera.

 

"Yes Ma’am!" Mabilis na sagot naming dalawa ni Cindy at umupo na kami.

 

"Okay, as I said earlier. For our homeroom activity, we will be having a game called Remove That Curtain. Nakikita niyo naman siguro 'tong malaking kurtina sa likuran ko. Sa likod ng kurtinang 'to ay nakapaloob ang isang mahalagang bagay na dapat ay makita ng isa sa inyo. I will ask you all some questions and if you answer it all correctly, I will remove this curtain para makita niyo kung ano nga ba ang nasa likod nito. Game ba kayo?" Pagpapaliwanag ni Ma’am.

 

"Yes Ma’am!" Tuwang-tuwa na sagot naming lahat, miss na kasi namin ang ganitong mga pakulo ni Ms. Herrera na magpalaro at magbigay ng mga prizes. Ganiyan din siya last year and I'm glad na siya pa rin ang homeroom teacher namin for this year.

 

"Okay, the first question is for you, Hailey." Sabay turo ni Ma’am sa kaklase kong si Hailey.

 

"Mahilig ka ba sa tennis?" Tanong ni Ms. Herrera.

 

"Yes Ma’am!" Sagot naman ni Hailey.

 

"Okay, I'm sure madadalian ka lang sa tanong na 'to." Nakangiting sambit ni Ms. Herrera.

 

"Ay akala ko 'yun na 'yung tanong, sayang!" Pagbibiro naman ni Kyle na siyang dahilan ng pagtawa naming lahat.

 

"Siyempre dapat may warm up questions! So, ito na nga, paano mo maibabalik sa kamay mo ang tennis ball na ihahagis mo nang hindi ito pinapatalbog o nilalagyan ng tali?" Tanong ni Ms. Herrera.

 

"Simple lang Ma’am, ihagis mo pataas." Mabilis na sagot ni Hailey.

 

"Correct! Wow, magagaling talaga ang mga anak ko." Sambit ni Ms. Herrera.

 

"Siyempre kami pa ba Ma’am." Pagmamayabang ng class president namin na si Jacob.

 

"Oh sige, the next question is for you, Jacob." Biglang sambit ni Ms. Herrera na ikinagulat nito.

 

"Ako po?" Gulat na tanong nito.

 

"Ay hindi, may iba pa bang Jacob dito?" Pamimilosopong tanong  ni Ms. Herrera na dahilan ng pagtawa namin ng malakas.

 

"Wala po." Kabadong sagot ni Jacob at kumamot sa ulo.

 

"Wala pala eh. So, ito na 'yung warm up question ko sa'yo, may nagugustuhan ka ba dito sa room na 'to?" Tanong ni Ms. Herrera na siyang dahilan kaya tumahimik ang lahat at nag-aabang sa sagot ni Jacob.

 

"Ma’am, wala namang ganiyanan!" Pagrereklamo ni Jacob at muli nanaman kaming tumawa ng malakas.

 

"Just answer the question, Mr. Santos." Sambit ni Ms. Herrera.

 

"Yes Ma’am." Sagot nito at napuno ng maingay na 'ayiiiieeee' ang buong klase.

 

"Quiet class! Please quiet. So, nandito siya ngayon?" Tanong ulit ni Ms. Herrera.

 

"Opo." Matipid na sagot ni Jacob habang nakahawak sa ulo niya.

 

"Sino? Saan diyan? Ituro mo nga." Pang-aasar ni Ms. Herrera kay Jacob.

 

"Ma’am naman eh!" Pagrereklamo nito.

 

"Joke lang! So, ito na nga, kung hindi ka gusto ng crush mo, anong gagawin mo?" Natahimik ulit ang lahat sa tanong ni Ms. Herrera.

 

"Anong gagawin ko? Ahm, maghihintay." Sagot ni Jacob.

 

"Maghihintay?" Pagtatakang tanong ni Ma’am na ang ibig sabihin ay ipaliwanag mo ng maayos.

 

"Opo, maghihintay ako hanggang sa magustuhan niya ako, hindi ko naman kasi siya puwedeng pilitin na magustuhan niya ako eh pero hindi rin naman po ata masamang umasa na baka balang araw ay magustuhan niya rin ako kasi kahit na ano pang mangyari, siya pa rin ang gusto ko." Nakangiting sagot ni Jacob at muli nanamang umingay ang buong klase, alam naming lahat na ang tinutukoy niya ay si Cindy kaya marami ang tumutukso ngayon sa katabi ko. Natuwa rin ako nang makita kong napangiti ni Jacob ang bestfriend ko, sa totoo lang, bagay silang dalawa kaso tanga lang 'yung isa.

 

"Okay class, quiet na ulit tayo. Continue na tayo for the last question and that is for you, Ms. Vasquez." Sabay turo sa akin ni Ms. Herera. Nagulat talaga ako, hindi ako handa para sa Q&A na ito.

 

"Okay, here's your warm up question, may boyfriend ka na ba?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Ms. Herrera at napatingin ako kay Cindy na nakatitig sa'kin ngayon.

 

"Oops, eyes on here Ms. Vasquez and don't forget to tell the truth." Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga pinagsasabi ni Ma’am. It seems like mayroon talaga siyang mga inalam bago ang game na 'to.

 

"Ah eh, O-opo." Sagot ko naman.

 

"Good, this question really suits you. But before we go to the main question, kailan naman naging kayo?" Tanong ulit sa'kin ni Ms. Herrera.

 

"Last year po nung July 17." Sagot ko naman.

 

"Wow, so anniversary niyo pala ngayon?"

 

"Opo." Mabilis ko namang sagot.

 

"Congratulations at nagtagal kayo ng isang taon. So, here's the real question... What will you choose between boyfriend and study?" Napangiti ako nang marinig ko ang tanong, I don't know why but it was just that I became confident when someone asked me to choose between two choices.

 

"Why are you smiling Ms. Vasquez." Dagdag na tanong ni Ms. Herrera.

 

"Nothing Ma’am." Sagot ko naman at pinilit na magseryoso.

 

"So, what's your answer?" Tanong ulit ni Ms. Herrera.

 

"Letter C po." Mabilis kong sagot.

 

"Letter C?" Pagtatakang tanong ni Ms. Herrera. Pati ang mga kaklase ko ay nagtaka sa sagot ko.

 

"Yes Ma’am, I choose letter C. Alam naman natin na lahat tayo ay mayroong multiple choices for every decisions in our life like what we all see in our exams. There's A, B, C and D.” Kita ko pa rin ang pagtataka sa mukha nilang lahat kaya tinuloy ko na ang sagot ko.

 

“In this case, A is my boyfriend, B is study, C is both of them and D is none of the above. So, I choose C. I will choose both of them 'cause that's what I want and I believe that no one can stop me. I will always choose both of them dahil pareho silang mahalaga sa buhay ko at ayaw kong may pagsisihan ako pagdating sa dulo. Kasi if I choose my boyfriend over study then I will regret it in the future and it is the same if I choose to study over my boyfriend. Tayo lang ang makakapagdecide ng dapat nating piliin and no one can decide what you need to choose because it was you who will suffer at the end if you chose the wrong one. So, I choose letter C because I don't want to lose anything especially my boyfriend and that is how much I love him." Nakangiti kong sagot at biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko pati na rin si Ma’am.

 

Nagulat ako nang makita kong tumulo ang mga luha ni Ma’am at agad naman niya itong pinunasan.

 

"Very good, Ms. Vasquez! Thanks for that inspiring answer. And now, the game has been finished! All of the questions were answered and you completed the task for this day. And for the prize, let's..."

 

"Remove that curtain!" Sigaw naming lahat at unti-unti na ngang natanggal ang kurtina na nakaharang sa prize or let me say sur-prize!

 

Biglang bumagal ang takbo ng oras nang makita ko si Dave na may hawak na isang boquet ng bulaklak. Nasa likod naman niya ang isang malaking tarpaulin na may nakalagay na picture namin at "Happy 1st Anniversary, Shane Vasquez!". Hindi ko talaga alam kung ano nga bang mararamdaman ko ngayon, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at tuluyan na itong tumulo. Halos hindi ko na marinig ang sigawan ng mga kaklase ko dahil tanging mabilis na tibok ng dibdib ko na lang ang naririnig ko.

 

Nang tuluyan nang matanggal ang kurtina, biglang may tumugtog na isang beat ng isang nakakaiyak na kanta at nagplay ang recording ni Dave.

 

"Hi Shane Vasquez a.k.a. my girlfriend and my future wife! Ako nga pala 'yung nag-iisang Dave Quizon ng buhay mo, 'yung taong pinili mo kahit na napakaraming mga lalaking nakapalibot sa'yo. Alam mo, noon pa lang ay sobrang thankful ko na talaga kasi hindi mo ako ini-snob nung una akong nag-approach sa'yo tapos naging bestfriend pa tayo.” Napangiti ako habang patuloy na lumuluha habang pinapakinggan ng mabuti ang sinasabi niya.

 

“Naaalala mo ba 'yung mga time na kahit hatinggabi na ay tatawag ka sa'kin para sabihin lahat ng mga hinanakit mo? And siyempre bilang bestfriend mo, bibigyan kita ng advice kahit na hindi ko pa naman naranasan 'yung mga nararanasan mo. Alam kong mahirap pero nagtiwala ako sa'yo na kaya mo at hindi mo sinira 'yung tiwala na ibinigay ko sa'yo. Then, sa hindi inaasahang pagkataon nakuha ko 'yung puso mo. Alam mo ba? Sobrang kabado ko talaga noong umamin ako sa'yo dahil natatakot talaga ako na baka mawala ka sa buhay ko. But that time, you really make me happy by just saying yes and you also gave me the chance to prove how much I love you. Thank you talaga sa pagtanggap sa isang tulad ko, thank you sa lahat ng mga happy memories na ibinigay mo and thank you sa walang sawang pagmamahal mo.” Nakita ko ang awkardness na nararamdaman ngayon ni Dave dahil sa pinagsasabi niya sa record.

 

“Gusto ko lang din malaman mo na hinding-hindi ako magsasawang pasalamatan ka sa lahat 'cause you made my life complete, kahit na marami akong nagagawang mali, kahit na maraming away na nangyari sa'tin. Thank you kasi palagi mo akong iniintindi at dahil dun ay nalaman ko kung gaano mo ako kamahal. So, I promise that I will never hurt you and kung magkakaroon man ng pagkakataon na mapapaiyak kita, 'yun ay dahil sa tuwa. Happy 1st anniversary sa atin, Shane at sana ay mas makasama pa kita ng matagal dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa’kin. Mahal na mahal kita at ‘wag na ‘wag mo ‘yang kakalimutan!" At namatay na ang recording pero patuloy pa rin ang pagtugtog nung beat. Lumapit siya sa akin at binigay niya ang flowers na hawak niya.

 

"Flowers for you Babe. I know that this is the first time na nagkita tayo sa loob ng halos isang taon kaya gusto kong gawin 'tong araw na 'to as a memorable day. Ngayon, hayaan mong ako naman ang gumawa ng isang masayang memory para sa'yo. I love you so much, Babe!" Sambit niya.

 

"I love you too, Babe!" Ang tanging nasabi ko na lang at niyakap siya ng mahigpit. Biglang tumugtog ang kantang "Grow Old With You" at si Dave ang kumakanta. Masayang-masaya talaga ako sa nangyari ngayon, I never thought that this will be the special day for me. Yes, this is really the first time na nagkita kami sa personal kaya sabik na sabik na talaga akong yakapin siya.

 

"Teka lang, may ibibigay pa pala ako sa'yo." Bulong niya sa akin at humiwalay siya sa pagkakayakap naming dalawa. Dumukot siya sa bulsa niya at inilabas ang isang singsing.

 

"Babe, tanggapin mo sana 'tong promise ring na 'to bilang tanda ng pagmamahal ko sa'yo. Ibinibigay ko sa'yo 'tong singsing na 'to kasabay ng pagbitaw ko sa mga pangako na tutuparin ko. Pinapangako ko na hinding-hindi kita sasaktan at palagi kitang pasasayahin, pinapangako ko na mamahalin kita hanggang huli at pinapangako ko na balang-araw, ang singsing na ito ay mapapalitan ng mas maganda pang singsing sa harap mismo ng altar." Isinuot sa akin ni Dave ang singsing at muli ko siyang yinakap.

 

"Thank you Babe." Bulong ko sa kaniya at hinalikan siya. Muling lumakas ang ingay nang magsigawan ang mga kaklase ko at pati na rin si Ma’am. Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang kilig na nararamdaman nila ng dahil sa nangyayari. Hindi ko naman sila masisi dahil miski naman ako ay kilig na kilig talaga sa nangyari. Biglang nagsalita si Ma’am ng quiet please kaya tumahimik ang lahat.

 

"Oo nga pala, may ibibigay pa ako sa'yo." Sambit ulit ni Dave kaya napatingin ako sa kaniya.

 

"Ano naman 'yun?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya.

 

"Ayun oh!" Sabay turo niya sa pintuan, doon na lumabas si Daddy na siyang ikinagulat ko.

 

"Dad?" Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Gulat na gulat talaga ako ng makita ko si Daddy, kasama niya ngayon ang stepmom ko at si Steff, may hawak siyang isang malaking teddy bear.

 

"Surprise." Mahinang sambit ni Daddy at iniabot niya sa'kin 'yung teddy bear.

 

"Pa'nong?" Pagtatakang tanong ko kay Dave.

 

"Kinausap ko nung nakaraang linggo si Tito, ako na mismo ang nag-approach sa kaniya kasi alam kong hindi mo naman kaya kasi natatakot ka. Well, natatakot din naman ako pero nilakasan ko 'yung loob ko para sa'yo. Nagpakilala ako kay Tito at sinabi ko nga 'yung plano ko. Humingi ako ng basbas niya para gawin 'to. Noong una, akala ko hindi matutuloy kasi parang hindi ata natuwa si Tito nang malaman niya 'yung about sa'tin pero sinubukan kong ipaliwanag sa kaniya ng maayos ang lahat and in the end, natanggap niya rin ako. He also gave me the blessing to do this." Paliwanag ni Dave.

 

"Talaga Dad?" Tanong ko naman kay Daddy.

 

"Yes anak, 'di ba sabi ko nga sa'yo, as long as alam kong masaya ka at hindi ka masasaktan, susuportahan kita kasi 'yun lang naman ang gusto ko eh, 'yung maging masaya ang anak ko." Sabi ni Daddy kaya agad ko siyang niyakap.

 

"Thanks Dad." Bulong ko sa kaniya.

 

"You're welcome." Bulong din ni Daddy at humiwalay na ako sa pagkakayakap namin.

 

"Nga pala, maraming salamat pala sa tulong niyo guys. Salamat po Ma’am sa pagpayag dito sa nangyari and also for that game. Thank you rin sa mga officers para sa pagtulong sa pag-aayos dito and thank you rin Cindy." Bigla akong napatingin kay Cindy.

 

"You're welcome." Mahinang bulong nito at kumindat pa sa'kin.

 

"Can we?" Biglang aya sa akin ni Dave.

 

"Saan?" Pagtatakang tanong ko.

 

"Sa date natin." Nakangiting sagot niya. Napatingin ako kay Daddy at kay Ms. Herrera, ngumiti lang sila kaya sumama na ako kay Dave.

 

"Bye guys!" Pagpapaalam ni Dave bago kami makalabas ng room.


~/ THE END /~



If you want to read more stories and articles, you can visit my Wattpad Account.


And if you want to learn more about ethical hacking, Facebook recovery, and Deep Web/Dark Web topics, you can SUBSCRIBE to my YouTube Channel.


You can also LIKE & FOLLOW my Facebook page for more updates!


If you have questions, requests, or recommendations, you can directly message me on my Facebook account.


THANK YOU SO MUCH AND HAVE A GOOD DAY MGA GUYSUE!


Comments