"ANNIVERSARY" (A SHORT STORY) Written by Rovic Balingbing " Good morning Babe! Gising na, may pasok ka pa." Bungad na sambit ni Dave nang sagutin ko ang tawag niya. "Good morning Babe! Ang aga-aga ah, bakit parang good mood ka ata ngayon?" Tanong ko naman sa kaniya, this is really the first time na tumawag siya ng ganitong oras para manggising. "Ouch Babe! Nakalimutan mo na agad?" Pagtatampo nito at talagang humina ang boses niya. "Nakalimutan ang ano? Ay oo nga pala, anniversary nga pala natin ngayon! Sorry Babe, nakalimutan ko alam mo namang sobrang busy ko sa mga school works ngayon kaya medyo naging makakalimutin ako sa ilang mga bagay these past few days." Paghingi ko naman ng sorry sa kaniya. July 17 nga pala ngayon and today is our 1st anniversary "Ayoko nga, kiss mo muna ako." Natawa ako bigla dahil lumalabas nanaman 'yung pagka-childish niya. "Ano ka ba naman Babe, ang ...